Wednesday, April 15, 2009

6 Useful Work Skills

Isa lang tong random work post dahil sobrang kalat ng mga workdays ko lately at kanina pa kong 6am nasa Petron building.

Update lang, for the past month, I have been been doing BE/IT MSA work for two projects: Optima and Saudi. Medyo stressful siya considering that a) my role in Optima is a technical lead (which means na SUPPOSEDLY alam ko ang mga technical matters concerning MOST of the rows), b) I am doing BE work in Saudi and may issues kami na kailangan ko kausapin GLOBAL process owners ng MSA, c) Sat to Wed ang workdays ng SAUDI locals namin which means na nakakausap lang namin sila from Mon to Wed, and d) HINDI pa ko naguundergo ng formal training sa MSA. All of this equates to kalat days kung saan todo sabaw ako, nauubos ang pera ko sa stress eating at narerelive ang aking faith in God. hahaha!

In order to survive, buti na lang naka-develop ako ng ilang useful skills na naapply ko aking working days. These are skills na nagagamit ko tuwing baon ako sa mga meetings, kapag may hinaharap ako na issue or even sa simple interaction ko with my contacts from operations, Saudi or accenture. So to those na magwowork pa lang, here are some things na tingin ko matututunan niyo rin sooner or later.

1. Kahit nasa heated email or mc conversation with someone about an issue, nakakaya ko pa rin mag singit ng smiley sa aking mga messages. Kahit na deep inside gusto ko na i-fillet (felay for Imman, Randy and Martin) ang mukha ng kausap ko.

2. Kaya ko kausapin ang isang tao (through email or MC lang) about an issue at iconvince siya regarding what I think even though I have NO CLUE ABOUT WTF I'M TALKING ABOUT (sorry to my PM's). Unfortunately, pag call or face to face, madali nila nabbreak ang aking thin barrier of deception kaya hindi ko to magawa. Connected with this, kaya ko na umattend sa mga conference or update meetings kahit na WALA AKONG ALAM at INPUTS and still make it seem na actively participating ako. hahaha

3. After around 8 hours of stress, may energy pa rin ako makipagkwentuhan at makipag sabawan with my officemates kapag inaabot kami ng gabi sa office. Yup, madalas kami magkantahan sa office pag mga 8pm onwards na at wala na ang mga manager. Unfortunately, nagiging daily routine na to dahil inaabot kami ng gabi madalas.

4. Nagagawa ko ng intindihin at makipag small talk sa ibang nationalities na may mahirap na accent (British and Saudi). Natandaan ko dati na chinicka ko ang isang contact ko sa EMEA team na may INTENSE ENGLISH accent tungkol sa kanyang anak. "You have a very cute son. She must have gotten it from her mother"

5. Kaya ko na mangulit sa mga taong hindi ko naman kilala (upang humingi ng tulong or sabihin na bilisan nila trabaho nila. haha) and still have the guts na makipag-small talk. hahahha!

and
6. Natututunan ko na iappreciate ang little things in life :) (HAHAHA! gay but true)

0 comments: